TARA PALAMIG



Tara Halo halo po tayo!

        Tamang tama sa panahon ngayon kaya halina't maghalo halo kasama ang pamilya habang kumakain ng masarap na tanghalian. 


Bagong negosyo ko na naman po ito mga kabagangs, oo kabagangs ang gusto kong itawag sainyo para naman may pagkakakilanlan tayo haha. Sa halagang 15 pesos ay mayroon ka ng special halo halo. Sa lola ko ito natutunan dahil dati sila ang nagtitinda at ngayon matanda na siya ay hindi na niya kaya ang pagod kaya naisipan namin ng mama ko na tuwing panahon nag tag-init ay magtitinda kami ng halo halo at ito sinundan namin ang yapak ng lola ko. Hindi naman kami nabigo dahil sa lakas ng bentahan namin ngayon, saan kapa masarap na nga murang mura pa kahit sino kayang makabili ng special halo halo namin. Kaya ano pang hinihintay niyo kabagangs bili na! 

Kung gusto niyong gumawa ng sarili niyong halo halo ito ang mga pwede niyong gamitin na rekado:

-Pinipig
-Gulaman
-Sago
-Saging
-Nata
-Buko
-Beans
-Ube
-Asukal
-Gatas
- Yelo

p.s Lahat yan ay minatamisan para yung lasa manunuot sa bawat rekado at paghalu haluin sa isang baso at iyon may special halo halo kana. 
p.p.s Siyempre may sikreto ang bawat tinitinda ko at iyon ang hindi ko maibabahagi sainyo pero kapag sinundan niyo lahat yan ay sasarap ang halo halo mo kabagangs.


            



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pick-A

Homemade Jjamppong

Adobong tokwa't baboy na may kamatis ala Diana