Pick-A


Tara tusok-tusok!

     Sabi nga nila kung anong bawal ay siyang mas masarap. Ako yung taong mahilig kumain sa mga nadadaanan o mas kilala sa tawag na street foods. Pero sa kaalaman ninyo ay hindi ako puwede kumain ng mga ganong pagkain, una ay ayaw ng mama at papa ko dahil hindi mo naman daw alam kung saan o paano nila niluto iyon, pangalawa hindi ko daw alam kung ligtas ba talaga yung mga pagkaing iyon o malinis ba, at huli hindi talaga ako puwede kumain ng mga malalansang pagkain dahil sa bawal talaga saakin, pero siyempre masarap nga kaya kahit patago ay kumakain parin ako dahil sa hindi ko ito maiwasan at sa dala narin ng mga kaibgan. 
           Pero sabi nga walang sikretong hindi nabubunyag kaya iyon nalaman ng mama at papa ko na kumakain parin ako ng pinagbababwal nila saakin pero sa huli pinatawad narin nila ako basta huwag nalang daw mauulit dahil kung hindi ako din ang magsisisi at gagastos pa kami ng mahal kung magkasakit man ako. Dahil sa hindi ko talaga mapigilan ay yan ako na mismo ang nagluluto ng mga pagkaing gusto kung kainin at natuwa naman ang mga magulang ko dahil gumawa talaga ako ng paraan para lang makakain, pero nandoon parin ang paalala nila na konti lang dapat at huwag araw araw. Kaya mga Kabagangs ganon nalang din ang gawin ninyo mura, masara at alam niyo pang mali nis kasi kayo ang may luto.

p.s Mga Kabagangs tinda ko rin yan haha fishball, kikiam, squid balls, hotdog at kwek-kwek. Kaya kumikitang pangkabuhayan ko busog nako may pera pa haha. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Homemade Jjamppong

Adobong tokwa't baboy na may kamatis ala Diana