Mangan Tamu po!



TARA KAIN!


     Tortang talong, skinless, itlog, at kamatis na may asin sa umagang kay ganda ohhh diba! siguradong ika'y gaganahan kung sasabayan pa yan ng isang tasang mainit na kape at kakain ng nakakamay kasabay ang iyong mahal sa buhay. 


Pero sainyong kaalaman ako yung taong hindi kumakain ng almusal dahil siguro nasanay nalang din ang sikmura ko at dahil minsan ang pagkain ko sa umaga ay pananghalian narin. Ngunit ang hilig ko ay hilig ko kahit na hindi ako kumakain sa umaga ay masaya akong ipagluto ang mga mahal ko sa buhay at pagkatapos non ay balik higaan na ako para makapagpahinga pa, dahil sa ngayon ang pinakamamahal ko ay ang higaan ko haha! Hindi lang yan ang mga pagkaing puwedeng kainin sa mabibiyang umaga maraming puwedeng iluto at iterno sa masarap na almusal. Kaya ano pang hinihintay ninyo halina't kumain na.!



Paano ba magluto ng Tortang Talong?

  • Una kailangan mong hugasan ang talong para sa kalinisan at sunod non ay iihaw na ito, kapag luto na ay ilagay ito sa plato para lumamig.
  • Sunod kapag malamig na ang mga inihaw na talong ay balatan na ito.
  • Kapag nabalatan na ang lahat ng talong ay magbati ng itlog sa mangkok at ilagay lang ang itlog sa talong, lagyan din ng pampalasa para lalong sumarap. (nasainyo kung gaano karaming itlog ang gagamitin)
  • Pagtapos na ang lahat ay iprito na ito at hintayin lang na malauto ang bawat parte ng talong at ayun na may tortang talong kana.


Paano ba magluto ng Skinless at itlog?
       
      Napakasimple lang magluto ng skinless, tanggalin lang sa pagkabalot ang mga skinless at ilagay ito sa kawali na may tamang mantika at iprito, nasainyo kung  ang pagkaprito ay sakto lang o lutong luto at tadaaaa luto na ang skinless niyo.

      Sa itlog naman ay napakadali lang magbati lang ng itlog sa mangkok at painitin lang ang kawali na may mantika, kapag mainit na ang mantika ay ibuhos na ang binating itong at hintayin lang itong maluto at iyon na may pritong itlog kana.

Kapag handa na ang lahat ay maghiwa na ng kamatis at lagyan lang ito ng asin at iyon handa na ang almusal  ninyo.

Laging tandaan "Kung may pagkain kumain lang huwag pansinin ang mga taong mapanghusga dahil hindi sila ang bumibili ng pagkain niyo!" haha


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Pick-A

Homemade Jjamppong

Adobong tokwa't baboy na may kamatis ala Diana